Test run ng DepEd TV, isasagawa sa Setyembre 21-25



Isasagawa ng Department of Education (DepEd) ang ikalawang dry run para sa DepEd TV mula Setyembre 21 hanggang 25 bilang paghahanda para sa paggamit nito sa darating na pasukan bilang bahagi ng broadcast media learning modality.

Sa bugdet hearing ng Senate committe on Basic Education, Arts and Culture, inihayag ni DepEd Director Abram Abanil na magpapalabas sila ng 24 na episodes para sa dry run.

Paghahanda ang dry run para sa darating na pasukan upang matiyak na maiwasan na ang mga pagkakamali tulad nang nangyari sa naunang dry run noong Agosto.

Ayon kay Abanil, bumuo ng proseso ang DepEd na pagdaraanan ng mga episodes nito bago ipalabas tulad ng pagsusuri sa mga script at modules.

Target ng DepEd sa pagbubukas ng pasukan na makapagpalabas ng 130 episodes kada linggo tungkol sa mga major subjects na sakop ng most essential learning competencies.

Tatagal ng 30 minuto ang bawat episode kabilang ang 5 minutong break.

Dagdag pa ni Abanil, ang mga sumusunod ang nag-alok ng kanilang mga channel para magamit ng DepEd: PTV4, IBC13, Cignal TV, Solar TV, Philippine Cable and Telecommunications Association, Planet Cable, GSAT, Mabuhay Pilipinas TV at Gracia/LMP.

Kasalukuyang may 107 teacher broadcasters ang DepEd TV kung saan karamihan ay matatagpuan sa National Capital Region (40), Calabarzon (20) at Central Luzon (17).

Isa ang broadcast media learning modality sa mga paraan ng DepEd sa taong ito upang ligtas at maayos na makapag-balik eskwela at matiyak na lahat ng mag-aaral ay naabot sa gitna ng pandemya ng COVID-19.

(Ulat mula sa GMA News at RMN / Image from CNN Philippines)

No comments:

Post a Comment