DepEd TV program schedule inilabas


Inilabas ng Department of Education (ang opisyal na DepEd TV program schedule na ipapalabas simula Oktubre 5.

Bahagi ng pagpapatupad ng blended learning modality and DepEd TV kung saan ipapalabas ang mga aralin para sa iba't ibang asignatura upang makasabay ang mga mag-aaral lalo na't walang face-to-face classes ngayon.

Ipapalabas ito sa IBC channel 13 at maguumpisa mula 7:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi. Mayroong 20 minuto ng aralin at 5 minutong break ang bawat episode.

Ayon kay DepEd Undersecretary for Administration Alain Pascua, target na dagdagan pa ang kasalukuyang 130 episodes na ipapalabas kada araw hanggang 220 episodes para sa lahat ng asignatura mula Kinder hanggang Grade 12.

Mahalagang katuwang ng DepEd TV upang maabot ng ahensya ang mga mag-aaral na mahina o walang internet connection.

No comments:

Post a Comment