DepEd tutol sa academic freeze


Tinutulan ng Department of Education (DepEd) ang panawagan para sa "academic freeze" na nag-trending kamakailan sa social media sa pamamagitan ng hashtag na #AcademicFreezeNOW.

Laman ng panawagan na ito na itigil muna pansamantala ang pagbubukas ng klase dahil umano sa kawalan ng kahandaan at mga kahirapan sa distance at online learning lalo sa panahon ng pandemya ng COVID-19.

Ayon kay DepEd Undersecretary at Spokesperson Nepomuceno Malaluan, hindi nito isinaalang-alang ang magiging pangmatagalang epekto nito sa pag-aaral ng mga estudyante at sa sektor ng edukasyon.

Dagdag pa niya, "We believe that this call for academic freeze is a populist position that is not popular, because we already have the support of as many as 24 million learners and their parents who have enrolled and are ready to participate in distance learning."

Tinawag din ni Malaluan na "ill-informed" ang panawagan na ito dahil hindi lamang online learning ang mangyayari sa darating na pasukan bagkus ito ay binubuo ng iba't ibang pamamaraan tulad ng mga modules, telebisyon at radyo.

Tuloy tuloy din naman ang paghahanda para sa darating na pasukan ayon naman kay DepEd Secretary Leonor Briones.

Kasalukuyang nagsasagawa ng dry runs ang mga pampublikong paaralan sa buong bansa upang masiguro ang maayos at ligtas na pagbubukas ng klase sa Oktubre 5, 2020.

(Ulat mula sa ABS-CBN News at Manila Bulletin)

No comments:

Post a Comment