Alpabetong Filipino Writing Worksheets Free Download


 

Karamihan sa mga writing worksheets na nakikita sa internet at iba't ibang blog ay para sa wikang Ingles. Kaya naman bilang serbisyo publiko sa mga magulang na nasa Pilipinas at nasa ibang bansa na nagnanais na turuan ang kanilang mga anak na kilalanin at matutunan ang alpabetong Filipino, ginawa namin ang Alpabetong Filipino Writing Worksheets.

Marahil sasabihin ng iba na wala naman pinagkaiba ang Ingles at Filipino na mga titik kung kaya hindi na ito kailangan pa. Naniniwala kami dito na upang higit na makilala natin ang ating mga sarili bilang mga Filipino, mahalaga na matutunan natin na ang ating sariling wika bago ang ibang wika.

Ang kasalukuyang Alpabetong Filipino ay napakayaman hindi lamang ito kalipunan ng mga titik na hiram mula sa iba't ibang wikang bagkus salamin ito ng ating pagkakakilanlan bilang mga Filipino maging ng at ng mayamang wika ng iba't ibang grupong katutubo sa Pilipinas. Halimbawa, ang mga titik na F, J, V at Z ay hindi lamang hiram mula sa wikang Ingles bagkus ay katutubo sa mga wika ng mga katutubong Ivatan, Igorot, Tausug, Ibanag, Ibaloy at iba pa.

-----

Ang Alpabetong Filipino Writing Worksheets ito ay likha at karapatang-ari ng Pinoy Education Resources. Hinahayaan ang lahat na i-download ito ng libre para sa personal na gamit lamang. Kung nais itong ipamahagi o 'di kaya ay ibenta sa iba o gumawa ng pagbabago sa mga ito, mangyari lamang na mag-email sa pinoyeducationresources@gmail.com.

Download Alpabetong Filipino Writing Worksheets:

Link: Download Here

No comments:

Post a Comment