ABAKADA Syllables (Traditional) Free Download


ABAKADA Syllables

Ang ABAKADA ang tradisyunal at nakasanayan na alpabeto ng mga Pilipino. Binubuo ito ng mga sumusunod na titik: A, B, K, D, E, G, H, I , L, M, N, Ng, O, P, R, S , T, U, W, Y.

Lima ang patinig (A, E, I, O , U) at labinlima ang katinig.
 
Itinuro ito sa mga paaralan noon bilang bahagi ng pagtuturo at pagpapalaganap ng Wikang Pambansa na ini-akda sa Konstitusyon ng 1935. Ang abakada ay sumusunod sa papantig na pagbibigkas ng mga titik na mula sa wikang Tagalog kung saan ito ay batay sa mga sagisag ng Baybayin na siya namang sinaunang paraan ng pagsusulat sa wikang Tagalog.

Sa kasalukuyan, nirebisa na ang ABAKADA at naging Alpabetong Filipino alinsunod sa pagtatakda ng Konstitusyon ng 1987 sa Filipino bilang wikang pambansa. Nanatili ang 20 titik na mula sa abakada at idinagdag ang walong titik (C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z)  na hiram mula sa wikang Ingles.
 
Download ABAKADA Syllables (Traditional):
 

Link 2: Download Here (if Link 1 is not working)

No comments:

Post a Comment