[FREE DOWNLOAD] Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7: Ako Ngayon - Episode 1 (DepEd TV)



Sa episode na ito ng DepEd TV, tatalakayin ang paksang "Ako Ngayon" na nakapaloob sa module ng Grade 7 Edukasyon sa Pagpapakatao.

Layunin ng episode na ito na matukoy ng mga mag-aaral ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na 8 o 9 hanggang sa kasalukuyan sa aspetong:

  • Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipagugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad (Pakikipagkaibigan)
  • Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan
  • Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito
  • Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa/sa lipunan
  • Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
  • Pagkilala ng tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata
  • Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata

Sa partikular, laman ng episode na ito ang talakayan sa pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig, at mga tungkulin sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin na ito na naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.

I-download at panoorin ang video na ito mula sa DepEd TV upang higit na maunawaan ang paksang para sa Grade 6 ESP.

Link 1: Click to Download Here

 


No comments:

Post a Comment